OWWA, nilinaw na wala pang mandatory repat ng OFWs sa Ukraine

Nilinaw ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) na wala pang ipinapatutupad na mandatory repatriation sa mga overseas Filipino worker sa Ukraines, sa harap ng tumataas pang tensyon sa pagitan ng Russia.

Ayon kay OWWA Administrator Hans Cacdac, hindi pa itinataas ng pamahalaan ng Pilipinas sa Alert Level 4 ang sitwasyon sa Ukraine.

Read More:  NBI recommends charges against Tab Baldwin over deaths of Baterbonia and Adili

Sinasabing tinatayang 380 Filipino ang naninirahan sa Ukraine, na karamihan ay nasa kapitolyo ng Kyiv.

Read More:  Padilla renews death penalty call after MC taxi rider killing

Una nito, may anim na mga Pinoy na kinabibilangan ng isang sanggol, ang dumating sa Pilipinas mula sa Ukraine.

Sa gitna nito, handang tulungan ng Philippine Embassy sa Warsaw ang mga Pinoy sa Ukraine na nais munang umuwi ng Pilipinas. //MHEL PACIA-TRINIDAD