Nagpagawa ng listahan ang Department of the Interior and Local Government sa mga lokal na pamahalaan, na tutukoy sa mga bakunadong indibidwal at sa mga hindi pa bakunado.
Ito ay matapos magpatupad ng ilang lokal na pamahalaan ng mga ordinansa na naglilimita sa galaw ng mga hindi bakunadong indibidwal.
Ayon kay DILG Undersecretary Jonathan Malaya, bukod sa Metro Manila, ay pumayag rin ang ibang rehiyon na magpasa ng ordinansa na nagtatakda ng restriksyon sa galaw ng mga hindi bakunadong indibidwal.
Ipinunto niya na kailangan ng kailangan ng mga lokal na pamahalaan na isumite ang inventory nito sa mga lokal na tanggapan ng DILG kada buwan.
Iginiit ni Malaya na base sa utos nina Interior Secretary Eduardo Año at Pangulong Rodrigo Duterte ay kailangan pauwiin ng mga otoridad ang mga hindi pa bakunadong indibidwal sa magalang na paraan.
Ipinaliwanag niya na prone kasi sa hospitalization, critical illness, at kamatayan ang mga hindi pa bakunadong indibidwal at iniiwasan lang din na ma-overwhelm ang mga pagamutan.
