Masmaigsing quarantine ng healthcare workers, nakadipende sa stiwasyon ng mga ospital

Ipinauubaya na ng Department of Health sa mga ospital ang desisyon kung papayag ito na mapaigsi ang isolation period ng mga medical frontliners na tinamaan ng COVID-19.

Iginiit ni Duque na ang pinaigsing quarantine period ay hindi “absolute,” kungdi “discretionary” para sa infection prevention and control committee ng mga ospital o ng provincial health office.

Read More:  Zubiri apologizes to Inday Badiday’s family

Sinabi ng kalihim na alam ng mga tao sa ground kung dapat bang mapaigsi ang quarantine ng healthcare workers kung saan ay dinidipende ito sa bilang ng mga pasyente.

Read More:  DENR preparing for possible impact of Super El Niño

Ipinunto ni Duque na bakunado na ang 100% ng healthcare workers habang nakatanggap na rin ng booster shots ang mga ito.