US suportado ang Pilipinas sa paggiit ng karapatan sa West Philippine Sea

Nagpahayag ng suporta ang Amerika sa Pilipinas sa paggiit ng karapatan nito sa West Philippine Sea matapos water cannon incident sa dalawang barko ng Philippine Navy.

Sa isang pahayag sinabi ni US State Department Spokesperson Ned Price, na walang karapatan ang China na maki-alam sa mga aktibidad ng Pilipinas sa mga lugar na nasasakupan nito.

Read More:  Marcos rejects claim flood control cases target Senate majority

Ang ginawa umano ng Chinese coast guard ay maituturing na ilegal at pananakot na posibleng maging banta sa kapayapaan at seguridad sa rehiyon.

Read More:  BOC disposes remaining vehicles linked to Discaya couple

Dagdag pa ni Price kaisa sila sa Pilipinas sa pagpapatupad ng rules-based international order.

Makakaasa din umano ang bansa ayon kay Price na handang sumaklolo ang Amerika kung may armadong pag-atake sa mga Pinoy vessel sa South China Sea, alinsunod sa Mutual Defense Treaty.