DILG: doblehin ang pagbibigay proteksyon sa mga kababaihan

Inatasan ng Department of the Interior and Local Government o DILG ang Philippine National Police na doblehin ang pagbibigay proteksyon sa mga kababaihan sa gitna umano ng tumataas na kaso ng sexual abuse.

Read More:  DepEd probes classroom assault involving Bacolod students

Ayon kay Interior Sec. Benhur Abalos Jr., may ilang lugar sa bansa na hindi nakawan, hindi cybercrime, kundi panggagahasa umano ang nangungunang krimen.

Kaya ayon sa kalihim, dapat mapaigting ang pagpapatupad ng programang ‘Kuwarto ni Nene’ sa mga komunidad.

Read More:  Marcos maintains trust in Dizon amid SEA Games probe

Ang “Kuwarto ni Nene” ay isang proyekto ng PNP na idinisenyo upang protektahan ang mga batang babae at tiyakin ang kanilang kaligtasan mula sa mga sexual predators.