Mas mabigat na parusa at multa sa mahuhuling naglalaro ng e-sabong, isinusulong

Nanawagan nang agarang pagsasabatas sa Senate Bill No. 63 o Anti-Online Gambling Act si Senador Alan Peter Cayetano.

Ito ay matapos niyang mapag-alaman sa nakaraang pagdinig ng Committee on Games and Amusement na patuloy pa rin ang patagong operasyon ng e-sabong.

Read More:  Abalos backs DFA’s condemnation of China’s ‘monkey’ video

Ito ay sa kabila ng inilabas na order ni dating pangulong Rodrigo Duterte na ipinagbabawal na ito.

Kaugnay nito, itinutulak ni Cayetano ang pagkakaroon ng mas mabigat na parusa tulad ng pagkakulong, pagtanggal sa serbisyo ng mga public offenders, permanenteng diskwalipikasyon sa paghawak ng public office at pagbabawal na makalahok sa pagboto.

Read More:  Marcos maintains trust in Dizon amid SEA Games probe

Maalala, naihain ang nasabing panukalang batas noong nakaraang taon dahil sa kasagsagan ng pagkawala ng ilang mga sabungero.