DOH at LGUs, dapat nang magtulungan laban sa mga sakit na dala ng “strong El Niño”

Naniniwala si House Committee on Welfare of Children Chairperson at BHW Party-list Representative Angelica Natasha Co na kailangan nang magsanib-puwersa ang Department of Health at local government units para palakasin ang mga hakbang laban sa epekto ng El Nino pagdating sa mga sakit.

Ayon kay Co, sa harap ng banta ng “strong El Nino” ay maaaring sumulpot ang “dry season illness” kaya kailangang magtulungan ang DOH at LGUs upang masigurong nakalatag ang lahat sakaling dumami ang mga kaso ng sakit.

Read More:  DSWD assures readiness during Habagat season

Kabilang dito ang food poisoning, water contamination, flu o trangkaso, tigdas at bulutong, asthma, sore eyes at heat exhaustion o heat stroke.

Read More:  BI proposes P247 airport fee for security modernization

Binigyang-diin ng kongresista na makatutulong ang pagsasagawa ng DOH at LGUs ng serye ng libreng anti-flu vaccination, medical laboratory services at iba pang pagbabago sa mga lumang programa.

Nauna nang nagpaalala ang DOH sa publiko laban sa mga sakit na maaaring makuha sa “peak” ng strong El Niño mula Pebrero hanggang Abril.