DILG Camarines Norte suportado ang hakbang na magsumite ng courtesy resignation ang lahat ng Police Colonel at General ng PNP

CAMARINES NORTE- Suportado ng Department of the Interior and Local Government (DILG)- Camarines Norte Provincial Office ang hakbang ng kanilang kalihim na si Sec. Benjamin “Benhur” Abalos Jr. sa panawagan nitong magsumite ng courtesy resignation ang lahat ng kasalukuyang Koronel at Heneral ng Philippine National Police.

Dahil umano ito sa pagkakasangkot ng ilan sa kanilang matataas na opisyal sa iligal na droga.

Sa isang pahayag na inilabas ng DILG Provincial Office, inihayag nitong hindi umano binabalewala ng kanilang tanggapan ang mga nagawa at tagumpay ng PNP sa pagsugpo ng iligal na droga sa bansa.

Read More:  Canlaon artisans adapt to calamities with limited materials, volcanic ash crafts

Ngunit maaari pa umano nila itong paigtingin sa pamamagitan ng “internal cleansing” o paglilinis sa kanilang hanay.

Sa pamamagitan umano nito ay mawawala ang agam- agam at pagdududa ng mamamayan sa mga operasyon at aksyon ng PNP.

Read More:  14-year-old PWD dies in Cebu house fire

Hangad ng DILG Provincial Office na ang panawagang ito ng kanilang kalihim at pagtugon ng mga kinauukulang opisyal ay maging daan upang magkaroon ng matino, mahusay at maasahang pamahalaan na makapagbibigay ng mas epektibong serbisyo sa mamamayan.

Ayon mismo kay PNP chief PGen. Rodolfo Azurin Jr., umabot na sa 600 ang bilang ng mga opisyal ng PNP ang nakapagsumite na ng kanilang courtesy resignation.