Naga City at Camarines Sur niyanig ng 3.2 magnitude na lindol

NAGA CITY- Nagsihintuan ang ilang mga mamimili sa may Naga City People’s Mall , ang iba naman sa Camarines Sur natigil sa kanilang ginagawa habang ang marami nagpost sa social media.

Ito ang nangyari nang yumanig ang 3.2 Magnitude na lindol sa Naga City at Camarines Sur ala- 1:38 ng hapon nitong Sabado. Sa record ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) 13.68°N, 123.36°E – 013 km S 85° W of Goa (Camarines Sur) ang lokasyon.

Read More:  Two farmers nabbed in fake gold scam, shabu seized

Intensity III  ang naramdaman sa  Naga City, gayundin sa Pili.  Intensity II sa Iriga City,  Intensity I naman sa Pasacao,  gayundin sa Mercedes at Daet, Camarines Norte.

Ramdam din sa iba pang parte ng Camarines Sur.

Kuwento sa Brigada News FM Naga ni Melaine Mayao fruit vendor sa Naga City, akala nila truck lamang pero nang marami na ang makaramdam nagsitigil ang ilang naglalakad. Kita niya rin ang pagsayaw ng mga linya ng kuryente.

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors

Dumagdag pa sa pag-aalala ng ginang ang lagay ng kaniyang mga anak na nasa bahay. Mabuti na lamang aniya ay hindi na tumagal pa ang lindol at hindi nasundan ng malakas. Dagdag nito mahalagang alam  ng mga nasa tahanan ang nararapat na gawin.