CAMARINES NORTE- Binigyan ng mataas na rating ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang Persons with Disability Affairs Office (PDAO) ng Provincial Government ng Camarines Norte.
Matapos ang masusing evaluation ay nakakuha ng 97 % total rating ang PDAO o Ideal level of functionality na pinamumunuan ni DAO III Rex A. Bernardo.
Ayon sa DILG kabilang sa mga indicator ng PDAO Functionality Assessment Form na pinagtuunan ng pansin ay ang establishment, Accessibility, Resources, Policies, Plans, and Budget, Conduct of Meetings, Partnership Initiatives at Accomplishments, alinsunod sa mandated functions ng PDAO.
Layon ng functionality assessment na masigurong naipapatupad sa Provincial Level ang mga programa, polisiya at serbisyo sa PWD.
Isinagawa ang on-site assessment sa functionality ng PDAO noong Enero 24 taong kasalukuyan alinsunod sa Republic Act 10070 o mas kilala bilang PDAO Law.
Sa ilalim ng naturang batas ay nakapaloob ang mga mekanismo para masigurong naipapatupad ang mga programa at serbisyo sa mga PWD sa kada probinsiya, lungsod at munisipyo.
