Bicol International Airport wala pang listahan ng mga magiging ruta ng international flights – DOT Bicol

LEGAZPI CITY – Inihayag ng Department of Tourism (DOT) Bicol na wala pa umanong listahan ng mga bansa na magiging ruta ng international flights sa Bicol International Airport.

Ayon kay Regional Director Herbie Aguas ng DOT Bicol, wala pang binibigay o ibinababang abiso ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) Central Office sa kanilang tanggapan patungkol sa mga pangalan ng mga bansa na maaaring maging ruta ng paliparan.

Read More:  Several children saved in Davao del Sur anti-online sexual abuse raid

Sa pagtataya ng opisyal makakasama sa listahan ang mga bansa sa Asya at iba pang karatig bansa, subalit sa ngayon inaantay pa kung kailan ipapalabas ang pormal na listahan nito.

Kung matatandaan noong Oktubre 7, 2021, pormal na binuksan at minarkahan ang pagsisimula ng mga operasyon sa paliparan.

Read More:  Pag-IBIG Cebu manager killed after van’s brakes allegedly fail in Negros Oriental crash

Samantala nagsanib pwersa naman ang mga ahensya ng Bureau of Custom, Bureau of Immigration at Civil Aviation Authority of the Philippines para suriin ang kapasidad at mga kakailanganin ng paliparan kung sakaling magsimula ang pag a-accomodate ng mga foreign flights.