CAMARINES NORTE- Magtatapos na sa Pebrero 14 ang Loan Restructuring and Penalty Condonation Program para sa Short Term Member Loans
Kaugnay nito ay nagpaalala ang Social Security System sa mga miyembro na mayroong pagkakautang na i- avail na ang programa.
Una nang sinabi ni SSS Daet Branch Head Ermina Maria Robredo na hindi nila masabi kung papalawigin pa ang programa kaya naman mas mainam umano na i- avail na ito ngayon.
Sakop ng programa ang lahat ng member- borrowers na hindi nakapagbayad ng short- term loan nang hindi bababa sa anim na buwan sa unang araw ng pagpapatupad ng nito.
Ang member- borrowers ay dapat may edad na mas mababa sa 65 taong gulang sa katapusan ng installment term, hindi pa nabigyan ng final benefit gaya ng Permanent Total Disability o Retirement at hindi pa nadi- disqualify dahil sa fraud laban sa SSS.
Sakop din nito ang member- borrowers na nais mag file ng permanent total disability o retirement benefits application na ang araw ng pagkabalda o pagreretiro ay kasabay ng o mas maaga sa huling araw ng pagpapatupad ng condonation program.
Mga benepisyaryo ng namatay na member- borrower na magsusumite ng death Benefit Application na ang araw ng pagkamatay ng member- borrower ay kasabay ng o mas maaga sa huling araw ng pagpapatupad ng condonation program.
Online ang pag apply para maka- avail ng programa kaya kahit anumang COVID- 19 alert level sa isang lugar ay maari itong gawin.
