LEGAZPI CITY – Nakiisa ang Department of Interior and Local Government (DILG) Bicol sa isinagawang caravan patungkol sa Crime and Drug Abuse Prevention and Control ng National Police Commission kahapon, Setyembre 4, 2022 na ginanap sa isang mall sa lunsod ng Legazpi sa lalawigan ng Albay.
Bahagi ng nasabing programa ang pagkakaroon ng booth na nagpapakita at nagtatanghal ng mga produktong may kinalaman sa mithiin nitong magbigay-kamalayan tungkol sa crime and drug abuse prevention.
Nagkaroon din ng diskusyon tungkol sa mga kritikal na paksa kung saanm pinangunahan ng mga tagapagsalita mula sa iba’t ibang ahensiya.
Layunin ng isinagawang aktibidad ang maturuan ang publiko tungkol sa mga nararapat gawin na maiwasan ang mga krimen partikular na kapag may kinalaman sa iligal na droga.