DICT, nagbabala sa 12 scams of Christmas na laganap ngayong magpapasko

Nagbabala ang Department of Information and Communications Technology sa binansagan na 12 Scams of Christmas na laganap ngayong magpapasko.

Bukod sa mga scam sa online shopping at travel pati ang pagiging matulungin sa kapwa ay sinasamantala na rin.

Read More:  Philippine peso hits record intraday low of ₱63.15 per dollar

Kabilang diyan ang fake shipping o delivery notifications, fake online charities, fake shopping websites, fake online sellers, free trial scams, fake Christmas gift cards, tech support scam, crypto investment scam, fake relative o friend scam,  foreign investment exchange scams, dating scam at loan scams.

Read More:  ₱7.2 trillion 2027 budget wins House approval amid pork barrel allegations

Payo ng DICT mag-ingat at kilatising mabuti ang impormasyon bago magbitiw ng pera at magbigay ng mga impormasyon para hindi mabiktima ng scam.