Halos 4,000 ang pumasa sa 2023 Bar examination

Nagbunga na ang dedikasyon at pagsusumikap ng halos 4,000 nakapasa sa 2023 Bar Exams.

Inanunsyo ni 2023 Bar Chair Justice Ramon Hernando na top 1 sa Bar examination ang University of Santo Tomas graduate na si Ephraim Porciuncula Bie na nakakuha ng 89.2625 percent.

Read More:  Seven suspected vintage bombs found at QC junk shop

Sa 19,387 na examinees ay 3,812 ang nakapasa sa isa sa itinuturing na mahirap na pagsusulit.

Ipinaalala ng SC na mula Disyembre 6 hanggang 15, ang pag-aayos ng clearance para sa mga nakapasa sa Bar Exam.

Read More:  PH files diplomatic protest against China over ‘monkey’ video

Ayon sa SC, ang successful bar examinees na nakasunod sa panuntunan ng application requirements ang papayagang makapag-proseso ng clearance para sa oath taking ceremony.