Ia-activate na ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ang voter precinct finder ngayong araw, o 18 araw bago ang May 9 elections.
Bago ang anunsyo ng scheduled activation, ibinahagi ni Comelec Commissioner George Garcia na inayos pa ng DICT ang firewall, para mas maging secure ang voterverifier.
Dagdag ni Garcia, tinitiyak ng DICT na ang naturang system ay hindi maha-hack.

Una nang lumagda ang Comelec ng memorandum of agreement sa DICT para magbigay ng cloud hosting ng online services ng poll body.
Kabilang sa mga online services ay ang Registration Status Verifier, Precinct Finder, Online Voter Certification Application, at ang National and Local Election Results Website.