DOF, ibinasura ang tax exemption sa poll honoraria para sa mga guro, poll workers

Ibinasura ng Department of Finance ang mungkahing i-exempt mula sa income tax ang honoraria at allowances ng mga guro at iba pang indibidwal na magsisilbi sa May elections.

Paliwanag ni Arvin Lawrence Quiñones, Director IV ng DOF’s policy, research, and liaison office, na ang honoraria at mga benepisyo na ibinibigay ng Commission on Elections sa mga poll workers ay bahagi ng kanilang gross income, na subject sa income tax.

Read More:  House prosecution panel names official spokespersons for Duterte impeachment

Ayon kay Atty. Anne Loraine Garcia ng Bureau of Internal Revenue’s law at legislative division, “improper” umano na ikonsidera na ang naturang professional fees ay subject sa mas mababang 5% tax, dahil ang naturang mga guro ay nagbibigay ng serbisyo na hindi saklaw ng kanilang propesyon.

Read More:  OSG seeks dismissal of Marcos drug test petition

Dagdag nito, na sa ilalim ng batas, ang may mga annual taxable income na lampas sa P250,000 ay subject sa 20% tax.

Pero sinabi ni Quiñones na sa Tax Reform for Acceleration and Inclusion o TRAIN law, nakasaad na ang sufficient relief para sa mga taxpayers at karagdagang exemptions ay maaring labag sa kanilang layunin na gawin ang taxation system na mas efficient at equitable. //MHEL PACIA-TRINIDAD