Naglabas ang singer na si Diana Ross ng teaser ng kaniyang kauna-unahang music video matapos ang mahigit isang dekada.
Kasabay ito ng paghahanda niya para sa release ng bago niyang gratitude-themed studio album na “Thank You”, na inaasahang mailalabas ngayong linggo.
https://www.youtube.com/watch?v=7hyxsY2Bgmk&feature=emb_title
Ni-record ng 77-anyos na singer ang naturang video para sa kaniyang bagong kanta na “All Is Well”.
Makikita sa clip na suot ni Ross ang isang black dress habang nakaupo at inaawit ang opening lyrics ng kanta.
Sa isang pahayag ay sinabi ni Ross na ang kaniyang mga anak na lalaki ang nagbigay sa kaniya ng confidence at encouragement na gawin ang video.
Noong 1960s ay unang umangat sa kasikatan si Ross bilang lead singer ng female group na Supremes ng Motown Records.
