US, sisimulan na ang inokulasyon ng COVID-19 vaccines sa mga bata na edad 5-11

Uumpisahan na ng Estados Unidos ang inokulasyon kontra COVID-19 ng mga bata na 5-11 taong gulang ngayong linggo.

Sinabi ng White House na ipadadala sa iba’t-ibang distribution centers sa US ang tinatayang nasa 15-million COVID-19 vaccines na pwedeng magamit sa nasabing age group.

Read More:  North Korea fires around 10 ballistic missiles toward eastern waters

Ayon sa White House, imbis na sa vaccination centers ay gagawin ang rollout sa pediatrician offices, children’s hospitals at pharmacies.

Read More:  Ebola death toll in Congo surpasses 5,000 amid widening outbreak

Una nang tiniyak ng US officials na nasa 50-million doses ng Pfizer vaccine ang binili ng federal government para sa roll out, na inaasahang gagamitin sa 28-million eligible children.