Gaballo, ‘dangerous fighter’ ayon kay Donaire

Hindi magawa ni WBC bantamweight champion Nonito Donaire Jr. na magpakampante sa magiging laban nito sa mandatory challenger at kapwa Pinoy na si Reymart Gaballo.

Ayon kay Donaire, “dangerous fighter” ang mga tulad ni Gaballo na may magandang record at gutom sa tagumpay.

Read More:  NLEX sweeps Phoenix, advances to PBA Governors’ Cup semifinals

Mas matanda ang 38-anyos na si Donaire kumpara sa 25-anyos na si Gaballo.

Gayunman, baon naman ni Donaire ang mas malawak nitong karanasan bilang isang four-division world champion.

Read More:  Alex Eala advances to Round of 16 in Hong Kong Open

Inaasahan na maghaharap ang dalawa sa all-Filipino title fight sa US sa December 11 .