‘Di bakunadong magulang, maaaring magpabakuna ng sabay sa kanilang mga anak sa Koronadal

KORONADAL CITY— MAAARING magpabakuna laban sa Covid-19 sabay sa kanilang mga anak ang mga hindi pa bakunadong mga magulang sa lungsod ng Koronadal.

Ito’y may kaugnayan sa nagpapatuloy na pediatric vaccination sa lungsod na isinasagawa sa gymnasium ng Christ the King Cathedral.

Read More:  2 carnapped vehicles from NCR recovered in Davao City

Sa panayam ng Brigada News FM Koronadal kay Glenn Mar Doctolero, health education and promotion officer ng City Health Office, inaalam umano ng mga ito ang vaccination status ng mga magulang at kung hindi bakunado, inaanyayahan ang mga itong magpabakuna ng sabay sa kanilang mga anak.

Nguit sa kanila umanong monitoring bakunado ang lahat na mga magulang na pumupunta sa nasabing vaccination site para sa Covid-19 vaccinations ng kanilang mga anak.

Read More:  8 goats found dead with bite marks in Antique

Napag-alaman na nitong linggo, apat na araw ang itinalaga sa pediatric vaccination sa Koronadal na kinabibilangan ng Lunes, Martes, Huwebes at Biyernes.