DFA, nanawagan sa mga Pilipino na iwasan ang non-essential travel sa Israel at Palestine

Nanawagan ang Department of Foreign Affairs sa mga Filipino na iwasan ang non-essential trvale sa Israel at Palestine at mga kalapit na bansa sa Middle East dahil sa pagbagu-bagong sitwasyon ng seguridad sa rehiyon.

Ayon sa ahensya, ang mga bansang dapat iwasan ay ang mga inilagay ng DFA sa ilalim ng Alert Level 2 o may mas mataas na alert level.

Kabilang sa mga tinukoy ng DFA na non-essential travels ay ang tourism visits, pilgrimages, temporary stays with relatives and friends, volunteer work, sports events, entertainment, at mga katulad na aktibidad.

Unang itinaas ng DFA ang Alert Level 2 sa Israel noong Oktubre ng nakaraang taon kasunod ng naganap na pag-atake ng mga miyembro ng Hamas na ikinamatay ng mahigit 1,200 katao at ang pagdukot sa mahigit 200 Israelis at iba pang mga mamamayan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *