Libreng sine sa Naga, ibabalik na

NAGA CITY – Ibabalik na ang libreng sine para mga senior citizens at persons with disability sa lungsod ng Naga, matapos itong matigil dahil sa pandemya.

Kahapon pormal nang nagkaroon ng Memorandum of Agreement ang Lokal na Pamahalaan ng Naga, kasama ang SM City Naga, opisina ng Office for Senior Citizens Affairs at Persons with Disability Affairs Office.

Sa panayam kay Jaime Reblando, Program Director ng OSCA, bago tuluyang buksan sa una o pangalawang Linggo sa buwan ng Hunyo, magkakaroon muna ng ratification o pag-uusap kasama ang Sanggunian, SM City Naga, may mga dapat pa kasing ayusin lalo na sa pondong gagamitin. Lunes hanggang Huwebes lamang maaaring mag-avail, isang beses sa isang Linggo, at unang palabas lamang o first screening ang maaaring mapanuod, kung lumampas man, magbabayad na at 20% discount, kailangan ng valid ID mula sa OSCA at PDAO, hindi rin maaaring makisabay kung may malalakihang event gaya ng Metro Film Festival.

Ayon pa sa opisyal, kailangan ng patunay o ID bilang record, at maiwasan din ang problema sa pila, na dapat ang mga lehitimong taga lungsod na mga Senior Citizens at PWD lamang ang makaka-avail para sa kanilang masayang paglilibang lalo na’t may mga na ang nag-inquire sa kanyang opisina.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *