Kampo ni Bamban Mayor Guo, maglalabas ng mga larawan upang patunayan na Pilipino ang ina ng alkalde//IF

Kinumpirma ng isa sa abogado ni Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo na magpapakita sila ng mga larawang magpapatunay na ang kanyang ina ay isang Pilipino.

Sinabi ng abogado ni Guo na si Atty. Stephen David, umaasa silang magpapakita ang ina ng alkalde para makapag-DNA test ito at mapatunayan ang kanyang kaugnayan sa alkalde.

Read More:  Gracioso allegations may be included in Vice President Sara Duterte impeachment case if proven — House prosecution

Maalalang idineklara ni Mayor Guo sa mga pagdinig ng Senado na ang kanyang ama ay Chinese at ang kanyang ina ay Pilipino.

Read More:  45°C heat index possible in 2027 amid Super El Niño

Inamin rin nito na isa siyang love child ng kanyang ama at ng kanilang kasambahay.

Nguint lumalabas sa hearing na walang birth records ang parehong magulang ni Guo sa Philippine Statistics Authority (PSA).