CAMARINES NORTE- Suportado ng Department of Education ang pagbabakuna kontra COVID- 19 sa mga batang edad 5- 11 taong gulang.
Ayon kay Camarines Norte Schools Division Superintendent Nympha Guemo, patunay ng kanilang suporta ang pagpapadala ng 56 na kinatawan para maging katuwang ng Department of Health at ng Provincial Health Office sa kampanya na mabakunahan ang mga bata na kabilang sa naturang age group.
Magsisilbing karagdagang advocates ang mga taga DepEd dahil ang mga bata sa naturang age group ay school children.
Nilinaw naman ni Guemo na bagamat suportado nila ang pagbabakuna sa mga bata ay dapat umanong maging voluntary ito at hindi sapilitan.
“We want to inform the parents particularly, na DepEd supports tha vaccination of aged 5- 11, however this is voluntary,” ani Guemo sa programang DepEd Hour.
Ayon pa kay Guemo hindi requirement sa mga estudyante na vaccinated para makasali sa limited face to face classes na sisimulang ipatupad sa lalawigan sa Marso.
“Vaccinated o hindi vaccinated ang mga bata kung gusto niyang pumasok dapat ito ay tanggapin ng mga teachers, ng paaralan.”
Pero ang mga guro ay dapat bakunado sa implementasyon ng limited face to face classes.
Sa ngayon ay wala pang schedule ng bakunahan sa lalawigan para sa mga batang 5-11 taong gulang.
