SORSOGON CITY – Aabot sa 300 mag-aaral mula sa Kindergarten hanggang Grade 3 ng tatlong pampublikong paaralan sa Masbate ang nakatanggap ng libreng dental health services mula sa Dept. of Education Schools Division Office Health and Nutrition Unit ng DepEd-Masbate sa pakikipagtulungan ng Phil. Dental Association o PDA.
Ayon sa dentist-in-charge ng Masbate Schools Division na si Dr. Sionita Arevalo, ang aktibidad ay ang patuloy na proyekto bilang bahagi ng pagdiriwang ng Oral Health Month.
Target umano nila ang hindi bababa na 18 na paaralan mula sa Burias at Ticao island upang magsagawa ng free dental health services.
Bukod sa libreng dental services, namahagi din ang grupo ng dental kit at school supplies sa mga mag-aaral.
Hindi kukulangin sa 8 dentista mula sa DepEd at limang pribadong practitioner ang sumali sa aktibidad.
PHOTO: DepEd-Masbate
