DepEd, nagtala ng 11.8M enrollees

Nagtala ang Department of Education (DepEd) ng milyon-milyong estudyanteng nag-enroll sa mga pampublikong paaralan para sa papalapit na School Year 2023 -2024.

Ayon sa Learner Information System (LIS) Quick Count ng ahensya, mayroon ng 11,820,159 enrollees, na ang malaking pursyento nito ay naninirahan sa National Capital Region (NCR).

Read More:  Lacson calls Marcoleta’s recovery a ‘miracle’ after hospital discharge

Sinundan naman ito ng Region IV-A o CALABARZON at Region III o Central Luzon.

Read More:  Angel Locsin criticizes Padilla following his admission that he is a communist

Nagpaalala naman ang DepEd sa mga magulang, tagapangalaga, at mag-aaral na matatagal ang enrollment period hanggang ika-26 ng Agosto upang bigyan ng palugit ang pagbubukas ng klase sa ika-29 ng Agosto.