5 vault sa cybercrime hub sa Pasay, naglalaman ng P3.5 milyon at mga armas

Nakuha ang milyun-milyong pera, dokumentong pinansyal, mobile phones, tasers at mga bala ng armas mula sa limang vault na nakumpiska sa Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) cybercrime hub sa Pasay City.

Read More:  Teodoro again rejects claims Philippines is a ‘trouble maker’ in WPS tensions

Natagpuan ang mga vault sa isang establisyimento na sinalakay ng mga awtoridad noong ika-1 ng Agosto.

Sa ngayon, lima pa lamang ang nabubuksan na vault mula sa 32 nakumpiska, na inaaasahang matatapos sa Biyernes.

Read More:  OSG seeks clarification on Supreme Court budget ruling

Nasa kamay na ng mga awtoridad ang kabuuang P3.5 milyon piso, mga dolyares at yuan, gayundin ang mga pasaporte.