DOH: Limitahan mga botante sa loob ng polling place vs COVID-19 transmission

Iminungkahi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa Commission on Elections (Comelec) na magtakda ng time limit sa pananatili ng mga botantehe sa loob ng polling place, para maiwasan ang banta ng COVID-19 transmission sa crowded settings.

Ayon kay Vergeire, maaring 10-15 minuto lang ang itagal ng mga ito sa loob.

Read More:  NBI files ethics complaint against Kiko Barzaga

Sa gitna nito, pinayuhan rin ng opisyal ang publiko na iwasan nang magtambay matapos bomoto.

Mababatid na dahil sa banta ng COVID-19, papayagan lang ng Comelec ang 10 botante na papasok sa classroom, habang may Isolation Polling Place (IPP) rin para sa mga botanteng may sintomas ng COVID-19.

Read More:  Cayetano Rejects Senate leadership changes

Maliban dito, hiniling rin ni Vergeire sa poll body na magtalaga ng safety officers na makikipag-ugnayan sa local government sa pag-screen ng symptomatic individuals matapos bomoto.