BNFM Bicol—NAABOT na ng Department of Education (DEPED) Bicol ang nasa isang milyong mga estudyanteng nakapag-enrolled na sa iba’t ibang mga paaralan sa rehiyon para sa darating na pasukan sa araw ng Lunes, July 29.
Batay sa Learners Information System (LIS) Enrollment Quick Count ng Department of Education, makikita na ang lalawigan ng Camarines Sur ay mayroon nang 218, 848, pumangalawa ang Albay na may 159, 532, Camarines Norte na may 138, 981, Sorsogon na may 115, 470, Masbate na mayroon nang 108, 963 at ang Catanduanes naman ay mayroong 60, 070.
Sa ngayon nagpapatuloy pa rin ang isinasagawang Brigada Eskwela 2024, bilang paghahanda sa nalalapit na pasukan. ### KENNETH BERMIL