KORONADAL CITY – WALANG kumpirmadong kaso ng African Swine Fever o ASF ang lalawigan ng South Cotabato. Ito ang inihayag ni Dr. Byron Dela Cruz, OIC ng Provincial Veterinary Office o PVet sa kabilang ng positive cases ng ASF sa Sultan Kudarat at North Cotabato.
Ngunit ayon sa opisyal na hindi dapat magkumpiyansa at kailangang palakasin pa ang biosecurity measures.
Sa ngayon, hinigpitan pa ng PVet ang pagpapatupad ng ASF quarantine checkpoint sa mga borders sa Tantangan, Norala, at Polomolok kung saan may isinasagawa ding disinfection.
