Presyo ng bigas at gulay posibleng tumaas ng 20% dahil sa epekto ng Bagyong Karding – DA

Nag-abiso ang Department of Agriculture na maaring magkaroon ng pagtaas sa presyo ng ilang farm products, matapos salantahin ng Bagyong Karding ang ilang agricultural regions.

Read More:  Grade 4 student dies after school deworming in Cavite

Partikular na tinukoy ng DA ang produktong palay at gulay,  sapagkat ito’y matinding tinamaan sa Central Luzon.

Ayon kay DA Senior Undersecretary Domingo Panganiban, nasa 15% hanggang 20% ang maaring itaas na presyo sa palengke.

Read More:  TDC highlights education system issues following death of grade 4 student in Cavite

Maliban sa Central Luzon, napaulat din ng DA ang agricultural damage sa Cordillera Administrative Region, Ilocos Region, Cagayan Valley, Calabarzon, Bicol Region at Western Visayas.