Tuloy ang trabaho ng mga representatives at mga miyembro ng Bayan Muna party-list sa kabila ng kabiguan nitong makakuha ng puwesto sa susunod na Kongreso.
Matatandaang simula 2001 elections, ngayon lamang sila hindi nanalo at mabibigyan ng puwesto sa House of Representatives.

Sa isang panayam, sinabi ni Bayan Muna party-list Rep. Ferdinand Gaite na bagamat hindi sila napili ng taumbayan na umupo sa Kamara, magkakaroon pa rin sila ng mga programa para sa sektopr ng mga mahihirap at iba pang bahagi ng marginalized population.
Sa ngayon, tuloy umano ang gagawin nilang mga hakbang para magkaroon ng reporma sa party-list system sa bansa.
Paliwanag ni Gaite, kinakailangan na itong baguhin, para ang mga papayagan lamang makatakbo sa party-lists ay ang mga grupong mayroon talagang nire-representang sektor lalo na sa mga mahihirap.
#