DENR nagbabala sa panganib na dala ng pagsusunog ng basura lalo na ng plastic

CAMARINES NORTE – Nagbabala ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa panganib na dala ng pagsusunog ng basura lalo na ng plastic.

Ito ay sa gitna ng patuloy pa ring practice ng karamihan na nagsusunog ng basura kahit mayroon nang batas ukol dito.

Sa panayam ng Brigada News FM Daet kay OIC-Provincial Environment and Natural Resources Officer (PENRO) Nestor Franz Fortuno, ipinaliwanag niya na delikado umano ito dahil ang pagsusunog ng basura na may kasama pang plastic ay mayroong harmful substances na maaaring magdulot ng sakit sa tao, environment, halaman o sa mga hayop na pwede ring mapunta sa tao sa pamamagitan naman ng pagkain o paglanghap sa mga ito.

Read More:  Mother, three children killed inside Zamboanga del Sur home

Kaugnay nito ay pinaigting umano ng DENR ang monitoring sa iba’t- ibang barangay para masigurong naipapatupad ang solid waste management act.

Read More:  Grade 10 student found carrying loaded revolver inside Iloilo school

Mababatid na alinsunod sa Republic Act 9003 o ang Ecological Solid Waste Management Act of 2000 at ang RA 9514 o Fire Code of the Philippines labag sa batas ang open burning ng solid waste, at kasama dito ang agricultural waste, mga tuyong dahon at sanga. Nagdudulot kasi ito ng polusyon sa hangin at panganib sa tao.