CAMARINES NORTE – Inihayag ng Department of Education na hanggang October 31, 2023 pa ang deadline sa pagpapasa ng documentary requirements o school records sa mga pampubliko at pribadong paaralan.
Ito ay kahit hanggang sa August 26 ang enrollment para sa School Year 2023-2024.
Sa programang DepEd Hour ng Schools Division Office, noong Sabado, ipinaliwanag ni Administrative Officer V at Division Information Officer Antonio Ahmad na hindi naghihigpit ang DepEd sa documentary requirements dahil mayroon namang Learners Information System (LIS) kung saan makikita dito ang estado ng mag- aaral.
Sapat na umano ang Learners Reference Number (LRN) lalo na kung hindi naman Kinder o Grade 1 o Grade 7 at Grade 11.
Batay umano ito sa ipinalabas na DepEd Memorandum No 43 series of 2023 o ang Guidance on the Conduct of Enrollment for School Year 2023- 2024.
Bahagi naman ito ng Oplan Balik Eskwela na ayon kay Ahmad ay kakambal ng Brigada Eskwela na naglalayong “settled” na dapat ang mga mag- aaral sa pasukan.
Ang eskwelahan o ang kanilang personnel lamang ang maaaring mag- transmit ng learners’ records internally o sa pagitan ng previous class adviser at incoming class adviser ng learner.
Externally naman o sa pagitan ng mga paaralan kung lumipat ang estudyante galing sa ibang paaralan. Hindi maaaring ipasa ng mga paaralan o personnel ang resonsibilidad sa pag transmit ng school records sa mga magulang, legal guardian o mag-aaral.
