DENR CALABARZON, PATULOY ANG PANGANGALAGA SA NASA 26 NA MGA PROTECTED AREAS SA REHIYON

Batangas City- Patuloy ang ginagawang pangangalaga ng Department of Environmental and Natural Resources o DENR CALABARZON, sa nasa dalawampu’t anim na mga protected area’s sa buong rehiyon.

Ayon sa datos na inilabas ng DENR CALABARZON, siyam sa mga ito ay lehislado na at labing pito naman ang kasalukuyang nasa proseso na upang mapabilang sa lehisladong protected areas.

Kaugnay nito, mayroon ding isangdaan at tatlumpu’t apat na kweba ang naimbentaryo at nakalinya upang suriin sa CALABARZON 

Umabot din sa tatlong daang mga buhay ilang ang nasagip ang at kasalukuyang nasa pangangalaga ng wild life rescue center.

Karaniwan sa mga ito ay mula sa mga na-i-turn-over ng mga concerned citizen, kung saan dadaan muna ang mga nasagip na ito sa rehabilitation bago ibalik sa kanilang mga tahanan.

Samantala ngayong taon ay mayroong dalawampu’t dalawang buhay ilang na ang naibalik sa kanilang mga natural na tahanan.