Delta variant, present na sa PH, bago unang nadetect noong Mayo – DOH

Kinumpirma ng Department of Health na present na sa Pilipinas ang Delta variant, dalawang buwan bago unang mapaulat ng ahensya ang dalawang pasyente na infected sa variant, na unang lumabas sa India.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, dahil sa retrospective sampling, nadetect ng Philippine Genome Center ang variant mula sa sample na nakolekta noong Marso.

Dagdag ni Vergeire, ang pasyente ay isang 47-anyos na returning overseas Filipino na may travel history sa China, pero fully recovered na.

Simula nang madetect noong Mayo, at first local transmission noong Hulyo, ang Delta variant ay ang most detected variant sa mga samples na sinuri ng PGC. //MHEL PACIA-TRINIDAD