PH, natanggap na ang 1st batch ng Sputnik Light

Natanggap na ng Pilipinas ang unang 5,000 doses ng Russia’s Sputnik Light na donasyon ng Kremlin, ang single-shot version ng kanilang flagship COVID-19 vaccine Sputnik V.

Maliban dito, sinabi ng National Task Force Against COVID-1 na nakatanggap rin ang bansa ng 2,805,000 pang government-bought Sputnik V jabs.

Dahil sa naturang delivery, ang kabuoang bakuna na dumating sa bansa ay nasa 133.16 million.

Mababatid na ang single-dose vaccine na binuo ng Moscow’s Gamaleya Institute ay inaprubahan para sa emergency use sa Pilipinas noong Agusto, kung saan nagpakita ito ng 79.4 percent na efficacy, nang unang pahintulutan na gamitin sa Russia.

Sinabi naman ni vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr. na nakatakdang omorder ang bansa ng 10 million doses ng Sputnik Light. //MHEL PACIA-TRINIDAD