CAMARINES NORTE- Nagpaliwanag ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) Bicol sa pagkaantala ng pay out ng social pension sa bayan ng Mercedes, Camarines Norte.
Ayon sa ahensiya nagkaroon kasi ng kaunting delay ang Lokal na Pamahalaan sa pagsusumite ng liquidation report.
Sa Media Forum na ginanap sa naturang bayan noong Miyerkules ipinaliwanag ni Irah Jeanne Ego, Focal Person ng DSWD Region V na kailangan nilang hintayin ang liquidation report ng previous fund transfer para maipasok sa susunod na pag transfer ng pondo.
Ang mode of payment umano sa social pension ay Transfer of Fund (TOS) at kailangang hintayin ang ang liquidation para sa 4th quarter ng nakaraang taon bago maproseso ang para sa 1st semester ng 2023.
Nilinaw naman ng DSWD na walang naging kapabayaan sa panig ng LGU dahil hindi lang naman aniya sa social pension ito nakatutok.
Sa ngayon umano ay on-going na rin naman ang pay out.
Semestral na rin daw ang pay out ng social pension at hindi na kagaya noong dati na quarterly.
Nai- transfer na rin umano sa mga LGU sa buong Camarines Norte ang fund allocation.
