CAMARINES SUR- Dapat handa ang mga lokal na pamahalaan sa Camarines Sur sa posibilidad nang pag-abot ng Ash Fall sa lalawigan mula sa probinsya ng Albay.
Ito ang sinabi sa Brigada News FM Naga ni Dr. Rey Millena matapos isalilalim ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology ((PHIVOLCS) sa Alert Level 3 ang Bulkan Mayon kahapon.
Ayon kay Millena, mabuti na ang handa dahil hindi naman kontrolado ang direksyon ng ihip ng hangin, tulad noong 2018 na umabot sa Rinconada Area ang abo.
Sa pakikipag-usap ng BNFM Naga sa ilang MDRRM offices ng ikalimang distrito o ang malapit sa Albay, mayroon naman silang contingency plan.
Pagsusuot ng facemask ang ipinapayo ng Department of Health lalo na para sa mga asthmatic. Una nang nagpalabas ng advisory ang DOH Bicol.