PNP Bicol, handa na sa ipapatupad na forced evacuation sa mga residenteng apektado ng Bulkang Mayon; paglilikas, epektibo na ngayong araw

LEGAZPI CITY – Nakahanda na ang ang Philippine National Police (PNP) Bicol para sa ipapatupad na mandatory o forced evacuation sa mga residenteng nakatira sa lugar na apektadong Bulkang Mayon.

Dahil dito, inactivate na ng PNP Bicol ang kanilang Critical Incident Monitoring Action Team (CIMAT) na inaatasang magmonitor at magbigay ng mga impormasyon o reports tungkol sa kasalukuyang kondisyon ng bulkan maging sa mga apektadong sektor.

Read More:  2 boys found dead inside abandoned vehicle in Cebu

Gayundin naman, inalerto na rin ang Reactionary Standby Support Force (RSSF), Quick Response Team at ang Search and Rescue Team mula sa Regional headquarters at Regional Mobile Force Batallion 5 upang isagawa ang forced evacuation sa mga residenteng nasa loob ng 6km danger zone.

Bukod dito, magkakaroon naman ng checkpoints sa nasabing PDZ bilang bahagi ng kanilang hakbang.

Read More:  Wounded NPA member rescued after Negros encounter

Samantala, nakahanda na rin ang mga behikulo tulad ng mga truck at iba pa upang magamit sa paglilikas ngayong araw.

Katuwang naman ng PNP ang Office of the Civil Defense (OCD) Bicol at ang Albay Public Safety and Emergency Management Office (APSEMO) para sa isasagawang mga hakbang.