Defense chief ng Vietnam, bibisita sa Pilipinas

Target ng Pilipinas ang mas matibay na defense ties kasama ang Vietnam.

Ito ay sa kasabay ng nalalapit na pagdating sa bansa ni Vietnamese Defense Minister Gen. Phan Van Giang sa Biyernes upang lagdaan ang cooperation agreements sa pagitan ng Maynila at Hanoi.

Read More:  VP Sara impeachment trial could last up to 8 months, says Gatchalian

Ayon kay Department of National Defense (DND) Secretary Gilberto Teodoro Jr., ang naturang kasunduan ay makatutulong sa pagbuo ng momentum para sa ugnayan ng dalawang bansa pagdating sa sektor ng defense at militar.

Samantala, ipinanawagan din ni Teodoro ang mas maraming international support para sa Pilipinas upang mapalakas ang rules-based international order sa West Philippine Sea.

Read More:  Ex-Lawmaker Defensor: I’m ready to face possible charges

Aniya sa ibang mga bansa, sana ay tulungan ang Pilipinas na maging ‘global leader’ sa pagpapatupad at pagpapanatili ng norms ng international law; at huwag hayaang maging biktima ito dahil sa paninindigan sa naturang batas.