Naniniwala si National Maritime Council Spokesperson Vice Admiral Alexander Lopez na napapanahon na para muling pag-aralan ang Mutual Defense Treaty o MDT sa pagitan ng Pilipinas at Amerika, at i-ayon sa napapanahong mga hamon.
Sa ambush interview sa Malacañang, binigyang-diin ni Lopez na nabuo ang MDT noon pang 1951.
Marami na anyang nabago sa strategic landscape ng bansa kaya kailangan nang mapag-aralan kung papaano makaka-adapt ang MDT sa mga bagong hamon sa seguridad ng bansa.
Read More: UP Broadcasting Association raises concern over Legarda’s role in Senate leadership shift
Sa kabila nito, sinabi ni Lopez na makabubuting ipaubaya sa Department of National Defense ang mga detalye kung papano ito gagawin.
Dagdag pa ng opisyal, nasa work in progress naman ito dahil kailangan pa rin kasing dumaan ito sa proseso.