Tahasang tinawag ni dating Albuera, Leyte at Ozamiz City Police Chief Col. Jovie Espenido na ‘pinakamalaking crime group’ ang Philippine National Police.
Sa pagharap ni Espenido sa pagdinig ng House Quad Committee ngayong araw kinumpirma nito ang nakasaad sa testimonya na nagdidiin sa institusyon bilang ugat ng krimen dahil sa ipinatutupad na reward system sa ilalim ng administrasyong Duterte.
Ayon kay Espenido, ginawa niya nang tama ang trabaho ngunit hindi napo-promote dahil lagi siyang nasa “derogatory list”.
Maaaring isa aniya sa mga dahilan kung bakit siya napupulitika ay ang pagtanggi na tumalima sa quota system at magpapatay ng drug suspects.
Pagsisiwalay nito, karaniwang taktika ng mga police general na isama sa high-level target sa drug list ang isang pulis upang mailagay sa floating status.
Nilinaw din ng opisyal na wala siyang galit kanino man nang gawin nito ang affidavit.
Kumbinsido naman si Espenido na sa ilalim ng war on drugs ng Duterte administration ay totoong may paglabag sa karapatang pantao.