Binigyang-diin ni Department of Budget and Management (DBM) Secretary Amenah Pangandaman na ang 2025 budget ay tutugon sa pangangailangan ng mga Pilipino.
Ito ay matapos aprubahan ni Pangulong Bongbong Marcos ang fiscal year (FY 2025) na tinatayang nasa P6.352T.
Target ng pondong ito na ipagpatuloy ang economic at social transformation para sa maunlad, inklusibo, at matatag na kinabukasan sa ilalim ng adhikain ng Pangulo sa isang Bagong Pilipinas.
Ang budget para sa susunod na taon ay alinsunod sa tatlong pillars ng PDP: ang pag-develop at pagprotekta sa kakayahan ng mga indibidwal; pag-transform sa production sectors upang makagawa ng mas maraming dekalidad na trabaho at produkto; at pagbuo ng maayos na environment.