BI, nagpasalamat sa mga mambabatas, law enforcement agencies sa aksyon tungkol sa problema tungkol sa mga pekeng Pilipino

“Nationality not for sale”

Ito ang binigyan-diin ng Bureau of Immigration kasabay ng pagpapasalamat sa mga mambabatas at iba pang law enforcement agecies sa pag aksyon sa problema tungkol sa mga pekeng Pilipino.

Read More:  LTFRB reviewing measures amid looming fuel price increase

Ayon kay Immigration Commissioner Norman Tansingco, binuksan na nila ang problemang ito noon pang nakaraang taon, matapos nilang mahuli ang hindi bababa sa 10 foreign nationals na nagpanggap na mga Pilipino gamit ang mga pekeng dokumento.

Read More:  Philippine Navy personnel injured in alleged China Coast Guard assault at Ayungin Shoal

Nakakakakuha aniya ang mga dayuhan ng mga Philippine documents matapos makakuha ng mga foundational documents kabilang na ang mga birth certificates.

Ayon kay Tansingco, maaaring gamitin ng mga dayuhan ang mga dokumentong ito para sa terorismo, heinous crimes, at panloloko.