Personal na wenelcome ni Senator Christopher “Bong” Go ang pagbabalik sa bansa ng apat na Filipino athletes na nakilahok sa Olympic Games sa Tokyo, Japan.
Kaugnay nito, nagpaabot si Go ng kanyang taos pusong pagbati sa mga Olympians at ng kanilang teams para sa kanilang inspiring performances at achievements na nagbigay ng dangal at distinction sa bansa.
“As Chair of the Senate Committee on Sports, I assure you of my unrelenting and wholehearted support for our athletes and the entire sports community,” mensahe ni Go.
“Makakaasa kayo na patuloy kong isusulong ang mga batas at panukala na magpapaunlad sa larangan ng sports nang sa gayon ay makabuo tayo ng mga susunod na henerasyon ng mga atleta na magbibigay ng karangalan sa ating bansa,’’ pagtitiyak pa ng senador.
Sa gitna nito, iniabot ng senador sa mga miyembro ng boxing team, na sina Carlo Paalam, Nesthy Petecio, Eumir Marcial at Irish Magno, ang mga bagong relo bilang tokens ng kanyang pasasalamat at pagpuri.
Matatandaan na si Paalam at Petecio ay nanalo ng silver medals sa men’s flyweight at women’s featherweight divisions, habang si Marcial ay nag-uwi ng bronze medal sa men’s middleweight division at flyweight si Magno.
