Davao Police Regional Director, at 12 CIDG – na-relieve sa puwesto

Halos dalawang buwan nang maupo bilang Regional Director ng Police Regional Office (PRO) 11, na- relieve sa pwesto si Police Brigadier General Aligre Lamsen Martinez.

Si Martinez ay mula sa PRO 4A (CALABARZON) na siyang humalili kay Brigadier General Alden Delvo ng magretiro ito noong April 25, 2024.

Kung maalala, una nang na-relieve sa pwesto ang 35 na mga police officials ng Davao City Police Office.

Base ito sa order na inilabas ni PBGen. Martinez na may petsang Mayo 24, 2024.

Sa naturang kautusan, epektibo Mayo 22 ay na-relieve ang mga pulis, kasali na ang anim na station commanders, at si City Director Col. Richard Bad-ang.

Pinalitan ni Police Brigadier General Nicolas Deloso Torre si Martinez at na-asign na muna ito ito sa Police Holding and Accounting Unit (PHAU), sa ilalim sa Directorate for Personnel and Records Management (DPRM).

Nangyari ang pag-relieve sa pwesto kay Gen. Martinez matapos ang nangyaring raid sa property ni Kingdon of Jesus Christ leader Pastor Apollo Quiboloy sa Davao City.

Sa kabilang dako, labing dalawa (12) naman na mga miyembro ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) at Special Action Force (SAF) sa Davao City ang na-relieve sa pwesto at na-reassign sa CALABARZON region, epektibo kagahapon, Hunyo 13, 2024. (with more reports from CRIS MENCEDEZ QUIJIADA – 93.1 BNFM DAVAO)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *