Ex-PRRD, nagbanta na maghain ng kaso laban sa mga pulis na lumusob sa mga ari-arian ni Pastor Quiboloy

Nagbanta si dating pangulong Rodrigo Duterte na maari siyang maghain ng kaso laban sa mga pulis na lumusob sa mga ari-arian ng religious leader na si Apollo Quiboloy sa Davao City.

Inilarawan ni Duterte ang isinagawang raid ng Philippine National Police – Special Action Force and the Criminal Investigation and Detection Group na “overkill” at hindi aniya maaaring hindi maparusahan ang mga sangkot.

Dagdag pa nito, walang ipinakitang search warrant ang pulisya sa lahat ng properties na pag-aari ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC).

Maalalang sinalakay ng mga pulis ang ilang ari-arian ng KOJC sa Davao City, Samal Island, at Sarangani para ihatid ang warrant of arrest sa kontrobersyal na televangelist.

Hinirang ang dating pangulo bilang administrator ng mga KOJC properties noong Marso.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *