71 years old na lola mula Dolores, Quezon, nakapagtapos ng elementarya

Pinatunayan ng isang Lola mula sa Barangay Manggahan, Dolores, Quezon na ‘age is just a number’ pagdating sa pagtatapos ng pag-aaral.

Nakapagtapos kasi si Lola Leonila Capule, 71-anyos ng elementarya sa ilalim ng programa ng Department of Education na Alternative Learning System (ALS).

Inaalay umano ni Lola Leonila ang kaniyang nakuhang diploma sa kaniyang anak na pumanaw na dapat ay kasama rin niyang magmamartsa at magtatapos ng ALS.

Naging posible ang lahat sa tulong ng kaniyang mga anak at apo na gumabay sa kaniya para makatapos ng pag aaral.

Isa lamang si Lola Leonila na nagpapatunay na ang buhay ay hindi karera, bagkus sa pagsisikap at tiyaga ng isang tao, makakamit din nito ang tagumpay sa buhay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *